Conflict of interest ang nakikita sa pagkakatalaga ni Christopher Pastrana bilang GM ng PPA

0
714

Ang pagkakatalaga ni Christopher Pastrana bilang General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA) ay nagdulot ng agam agam dahil sa pagkakaroon nito ng conflict of interest na pamunuan ang ahensya.

Tradisyon na sa Pilipinas na kapag papasok ang bagong administrasyon ay binibigyan ng honeymoon period o magandang pagkakataon upang ipakita ang suporta at tiwala. Pero kahit ang tradisyon ay kailangang magbigay daan laban sa mapanganib na diskarte ng ilang namumuno at ito ay eksaktong tumutugma kay incoming ES. Vic Rodriguez ng kaniyang ianunsiyo ang pagtatalaga o appointment ni Christopher Pastrana bilang General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA).

Sa nasabing appointment ay lubhang ikinagulat umano ng dalawa pang miyembro ng screening committee na sina Naida Angping at Anton Lagdameo. Ang pinaka pinagtatakhan ng lahat ay Isinabay pa ang pag anunsiyo nito kay dating PAL president Jimmy Bautista bilang DOTR secretary. Ang PPA ay isang attached agency ng DOTR na dapat ay nasuri mismo ni Bautista o na Konsulta man lang ang mamumuno dito bilang kortesiya.

Kabaliktaran ito sa ibinigay na kortesiya kay incoming finance secretary Benjamin Diokno na may timbre ng Sa kaniya ang appointment ng mga pinuno ng BSP, BIR at BOC. Kaya naman sa kaso ng PPA Kung lalaliman ang pagsusuri ay malalaman mo kung sino ba talaga si Pastrana at ang kaniyang business partner. Si Pastrana ay Presidente ng 2 kompanya – Archipelago Philippines Ferries Corporation at Philippine Archipelago Ports and terminal Services . Ang archipelago ang siyang nagmamay ari ng FastCat Ferries samantalang ang Philippine Archipelago ay nag ooperate ng Port terminals.

Dagdag pa nito na si Pastrana, ang kanyang anak na babae at bayaw ay nagpapatakbo sa 18 ports, halos humigit kumulang na 20 porsyento ng minamaniha ng PPA.

Sa dalawang usaping ito ay sapat na upang madiskuwalipika si Pastrana para pamunuan ang PPA or iba pang ahensiya na may kinalaman Sa kaniyang negosyo. Pero tila hindi ito nasilip ni ES Rodriguez dahil ang business Partner ni Pastrana na si Dennis Trajano ay BILAS pala ni ES Rodriguez. Hindi lang yan. Ang bayaw din ni Pastrana na si Rommel Ibuna ay isa ring Port operator na isang malinaw na may conflict of interest dito at asahan na makakasira ito Sa imahe Sa kabuuan ng bagong administrasyon.

Para mahirang bilang general manager ng PPA sa ating bansa, kinakailangang walang pag-aalinlangan at walang bahid ang integridad nang hahawak sa posisyong ito. Sa kaso ni Mr. Pastrana, naghuhumiyaw ang “conflict of interest” ng taong ito dahil sa negosyo di lamang ni Pastrana kundi ng kanyang pamilya.

Photo credit: https://bilyonaryo.com/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here